ang dami kong nababasang mga, itago na lang natin sa katawagang, "impormasyon", at nakakainis dahil sa palagay ko ay gasgas na gasgas na salitang gorgeous. kung gorgeous ka, hindi na kailangang nakakabit yun sa pangalan mo. masasabi n alang yan ng mga tao dahil, well, it's screaming obvious. kaya feeling ko, eh redundant na ikabit pa yun sa pangalan kung totoo man iyon. at kung kakabit man, hindi ikaw ang maglalagay. sila. you just got to own it, gurlfriend!
at isa pang nakakainis sa gasgas eh yung mga trite ekspresyon na ang pangit pangit naman pakinggan sa tenga na tila baga mga salitang inggles na pinagsamasama ng walang taste. example: most often than not. kung hindi mo napapansin ang mali dun, eh wag mo kong kausapin; malamang hindi tayo magkakaintindihan. mapapatawad ko pa ang mga sablay na preposition, pero naman, kung common expression tas sablay pa, eh iha, magtagalog ka na lang.
tas eto pa, alam niyo ba na ang mga kababaihan sa UPbaguio ay a) mabait, b)matalino, c) maganda. kung hindi man yan, eh, "there's more to than what meets the eye" [pag hindi niyo pa rin napuna ang mali, grah] o kaya naman napagkakamalng masungit pero friendly naman talaga. o kaya hindi maarte/maingay o mababaw.
teka lang, tikbalang, e sino bang may sabi na pag maarte e otomatically mababaw? o kaya pag maingay, ganon din? hindi ba nila alam ang kasabihang, ang ilog na tahimik ay malalim; ang ilog na maingay,may naglalaba. actually, wala naman akong point eh. ikaw, meron? share mo naman oh.
hindi na ako iinom ng cough syrup. tunay ngang hindi mabuti ang epekto nito sa mga taong walang ubo.
No comments:
Post a Comment