Monday, February 01, 2010

Why, yes I watched Paano Na Kaya

Watch me blog in tagalog. Erm, taglish.

Para hindi ko maisip na nag-aksaya lang ako ng pera sa panonood ng Paano Na Kaya, starring Kimerald, eh pipilitin ko na lang na may natutunan ako. Moral of the story ika nga.

Eto yung kwento, magbest friends si Kimerald-- si Bogs and May. Si Bogs may jowa na tinulungan ni May na mapasagot. Si jowa nakipagbreak kasi 'immature' si Bogs. Si Bogs naging suicidal. Si May naging erm, friend to the suicidal. Nagmoment si Bogs-- di nya na raw kailangan si May. Nagmoment din si May-- napaamin na mahal niya si Bogs. So naging sila.

Tunog rebound, noh?

But wait, there's more. Umayos ang buhay ni Bogs. Umayos ang buhay ni May. Umayos ang buhay nila together. Swabe na sana nang biglang umappear si ex jowa. Gulo, in short.

Nagkaroon ng moment si May para masabi ang mga katagang ito... 'Sana umiwas ka na lang, maiintindihan ko! Kaso shi-nyota mo ang best friend mo! Shi-nyota mo ako!' Hagalpak sa sinehan. Pero wag ka, striking ang delivery, aylavet!

Ang point ni May, nung nagsabi siya na mahal niya si Bogs, may posibleng dalawang response si Bogs. Either a) lumayo siya kasi the feeling is not mutual or b) 'syota-in' niya si May kasi in fairness, mahal niya rin naman at some level. Eh shi-nyota nya. Ayon kay May, pareho daw silang talo.

Sabi naman ni Bogs, lahat ng kasalanan aaminin niya, pero hindi ang ginawa niyang rebound si May. Dahil eto, minahal at mahal naman daw niya si May talaga. (Whateverrrr)

Basta marami pang side-stories within the story kung saan nagmumula ang conflict. Isa sa mga bagay na hindi ko na-appreciate sa movie ay yung pinilit isqueeze lahat ng gulo ng mundo sa isang love story.

Eto na, here's what I learned! (drumroll please)
1. Kapag girl ang unang nagconfess ng feelings, magiging caught off guard ang boys dahil likas silang clueless at naknakan ng dense. So feeling ko pag girls ang nag-initiate, sure fail ang kahihinatnan kasi sadyang may katimangang taglay ang mga boys sa pagsagot sa mga ganyang bagay.
2. Mapaparespond ang boys out of impulse. Kaya dapat hindi sila pine-pressure ng ganyan.
3. Good luck kung lahat ng boys/best boy friends ay kasing yummy ni Gerald Anderson (haha, ipilit ba).
4. Kapag marami ka pang unresolved issues as a person, mahirap pumasok in a relationship kasi ang dami mo nang idi-deal na minsan ay beyond your comprehension.
5. Ayos buhay muna para it's not complicated.
6. Napakadali mag rebound tapos magiging fast break. As in break kayo agad pag na-acknowledge na ng rebound na rebound siya.
7. Si Ryan Cayabyab pala ang nag-compose ng Paano Na Kaya. Ang ganda, hay. Emotero din pala ang lolo mo.

Ipakwento niyo na lang sakin in person. With matching reenactment pa. :) Hahaha. :D

8 comments:

allison alberto said...

Hahahahahahahaaha. Sige papakwento ko nalang sa'yo. hihi. Hindi ko alam kung mapapa- awwwww ba ako sa movie dahil sa blog mong ito, pero I will wait for your kwentow in person, para may thrill. Mukhang mas mage-enjoy ako pag ikaw nagkwento.

and BTW. Hannng kyot naman, si Ryan Cayabyab pala nagcompose nun! Kakaiyak!:)

♪ the xaris ♪ Cullen Boyd said...

sige sige pag nagkita tayo, sa saturday! hahaha :D so medyo LSS ko yang kantang yan, nakakalowka!

tint mijares said...

natawa ako sa madaming parts ng blog na ito. :) so you. miss kita tuloy. :)

♪ the xaris ♪ Cullen Boyd said...

aba'y halika't tayo'y magkape! miss na rin kita! :D

alich banez said...

Re Theory No.1:

Buti nalang hindi ako mahilig mag-confess! Hehehe.

♪ the xaris ♪ Cullen Boyd said...

korak! hahaha. baka makare-kare tayo nyan, mas mahirap! :P

romina aiza de silva said...

xaris, in english na lang. para kang writer ng bakyang tabloid pag taglish. hahaha... yung tipong mga pang blind item. hahaha...

pero in fairness, i like point number four. oo nga naman. haha.

♪ the xaris ♪ Cullen Boyd said...

binaba ko na nga level ko para sa mga mortals noh. hahahaha.