
meron akong pink na payong na gamit ko mula third year college hanggang ngayon. nabili ko iyon ng wala sa plano dahil naabutan ako ng ulan sa sm baguio. hindi na sana ako bibili ngunit may quiz pa ako at malapit na akong mahuli sa klase. hindi rin sana ako bibili kung hindi nanakaw ang fuchsia pink kong payong sa dorm. pambihirang dorm mates yan. asan na payong ko? (at pambihira ang mahal mahal ng fibrella, utang na loob, estudyante lamang ako)
simula noon, iyon na ang official dyosa umbrella ko since 2005.
dahil sa bagyong ofel, inaraw-araw ko ang payong ko hanggang sa tuluyan na itong bumigay kahapon. ayon. bow.
ano na nga ulit ang sinasabi nila tungkol sa mga payong at relasyon?
kasi sa palagay ko, nakiki-ayon ang panahon sa nararamdaman ko.
4 comments:
what do they say about relationships and umbrellas?? di ko alam yun a..
marami pang ibang payong?? is that the right thing to say?? heheh..
di kaya, seasonal rin, parang payong.
baket ganon? itong ito mismo nararamdaman ko. Hay. pag ako ba bumili ng bagong payong, may ibig sabihin din?
meron.
yahar.
Post a Comment